Monday, June 27, 2011

Usapang Emotion

paano kung may minahal kang tao pero hindi pwede.. sagot di pigilan mo sarili mong mahalin sya…

Paano kung di mo mapigilan yun sarili mo? Dahil yun lang yun katanggap tanggap sa puso mong patay ang syang nagbibigay buhay.. Bawat atensyon na binigbigay.. bawat salitang MAHAL KITA. Ang kaso lang hindi pwede… mahal nyo ang isat- isat pero hindi pwede.. Kahit ang sarap sa pakiramdam nun sabihin sayong tandaan mo mahal kita.. Ang dali ng sagot.. di wag ipilit kung hindi pwede..

Pero minsan kahit anong pigil mo sa sarili mong wag mahulog dun sa balong iyon.. kahit gaano ka pa kagaling umiwas.. napakalaki na ng space para mahulog ka dun sa malaking balon na iyon.. Kahit sa pagkakahulog mo doon ay may panganib na ikaw ay masugatan at maaring mapilayan.

0 comments:

Post a Comment