Ako na siguro yun tipo ng taong mabilis magkaroon ng kaibigan, kasi friendly akong tao, medyo masungit nga lang tignan pero pag nakilala mo na ikaw na bahala mag judge kung for keeps nga ba ang lola mo maging fwend. Sabi ng isang kaibigan ko para daw akong “kanin” madikit lang na aa attach na.
Friendship kamag-anak ng relationship, ship at scholarship basta may ship yun na yun. Kahit sa isang relasyon kelangan din ng friendship para maganda ang flow ng pagsasama. Ang kaibigan ay parang damit.. may mga bagay o okasyon na binabagayan.. pang office, pang school, pambahay o yun damit napinaka gustong gusto mo sa lahat.
Sa 20 years ko sigurong nabuhay dito sa mundo dami ko nang nakasalamuhang klase ng friends yun iba for keeps yun iba naman masabi lang na kaibigan.. Mahahanap mo ang ibat ibang klase ng kaibigan sa mga eto:
It runs from the blood friendship – Eto yun tipo ng kaibigan mo na kadugo mo. Pwedeng nanay mo, tatay mo, kapatid, pinsan, 1st cousin hangang sa pinsan mo sa talampakan.. basta kadugo mo. May mga kamag anak ka naman na hindi mo ka close diba? Yun tinutukoy ko dito is yun close talaga kayo.. magkasundo ba.
Childhood Friendship - Mga pagkakaibigan na nadevelop non bata ka pa, mga kalaro, ka eskwela, kapitbahay ganon.
Kaibigan sa School – Eto yun mga friends na nakilala mo lang sa school nun college, highschool and elementary.
Workmate Friendship - Mga pagkakaibigan na nabuo sa workplace.. o kung saan ka man lupalop mapadpad.. kapitbahay ganon..
Cyber Friends - Mga kaibigan na nakilala mo lang thru internet.. ang galing na ng technology no pwede ka na makahanap ng friend, mag online ka lang. Kasama na rito sa cyber friends yun mga blogger , nagkakaroon ng exchange of ideas.. tapos kalaonan nagkakakuhaan ng loob.. nagiging mag kaibigan at minsan ka- ibigan pa.
Pero wag ka meron din ibang klase ng pakikipagkaibigan
1. Prospective jowa – kinakaibigan ka kasi kursunada ka
2. Friends with benefits - Eto ayaw ko to, meron kasi ako naririnig na ganitong sitwasyon.. yun kaibigan tapos pwede ka makipagtalik sa friend mo .. anu ba yan. Hindi ako sang ayon dito dahil kawawa ang girl
3. Tropa thingy friends - yun mga kaibigan mo lang sa saya, sa inuman sa kalokohan pero hanggang dun lang yun panay saya lang . Kapag kailangan mo na di mo na pwedeng asahan.
4. Pahawa ng popularity - Yun dumidikit sa gwapo, maganda, sikat, mayaman, matalino para masabi lang na may kaibigan syang sikat o parang to belong. Ito yun mga tipo na ginagawang alila ng tropa, utusan… tsk!! kawawa naman.
5. Ex jowa friendship – Itinapon na pagibig para hindi masakit friends nalang kayo… eto pinaka ayaw ko.. ang masasabi ko lang marami na akong kaibigan bakit kelangan maging friends pa! ( may galet?)
1. Prospective jowa – kinakaibigan ka kasi kursunada ka
2. Friends with benefits - Eto ayaw ko to, meron kasi ako naririnig na ganitong sitwasyon.. yun kaibigan tapos pwede ka makipagtalik sa friend mo .. anu ba yan. Hindi ako sang ayon dito dahil kawawa ang girl
3. Tropa thingy friends - yun mga kaibigan mo lang sa saya, sa inuman sa kalokohan pero hanggang dun lang yun panay saya lang . Kapag kailangan mo na di mo na pwedeng asahan.
4. Pahawa ng popularity - Yun dumidikit sa gwapo, maganda, sikat, mayaman, matalino para masabi lang na may kaibigan syang sikat o parang to belong. Ito yun mga tipo na ginagawang alila ng tropa, utusan… tsk!! kawawa naman.
5. Ex jowa friendship – Itinapon na pagibig para hindi masakit friends nalang kayo… eto pinaka ayaw ko.. ang masasabi ko lang marami na akong kaibigan bakit kelangan maging friends pa! ( may galet?)
Meron din mga level ng pagkakaibigan eh.. gaya nga ng sinabi ko kanina para syang damit meron kang paborito , meron ka din pinaka ayaw..
Kaya ang friendship kelangan din alagaan.. parang laro sa FACEBOOK yun yoville.. kelangan mo dalawin araw araw yun kapitbahay mo.. para madevelop ang friendship sa pagiging best friends.. eto yun level
- AQUAINTANCE - gaya ng mga term na ginamit ko sa itaas.. ito yun first level bago maging friends.. pwede mo sya makilala sa kung saan saan.. at nasa iyo iyun kung gusto mo ito ituloy sa pagiging friends.
- FRIENDS - Mayron kang bagay na nagustuhan sa kanya, maaring may pagkakapareha kayo sa ibat ibang bagay.. pareho kayo ng trabaho, pareho kayo mahilig sa music, pareho kayong course, natutuwa ka sa kanya, nag cacare sya sayo kaya feel mo na syang maging kaibigan. At nasa iyo rin kung dito sa level na ito eh gusto mong paabutin sa pagiging .. Bestfriends..
"Bestfriends are the siblings God forgot to give us"
maihahantulad sa pinaka paboritong damit.. gusto mo lagi isuot, kahit gutay gutay na gusto mo pa rin. Ito yun pinaka strong na form of friendship. Minsan mas higit pa sa kapatid ang turing mo. Kahit may kabulukan sa pagkatao ng kaibigan mo tinatanggap mo pa din. Sa kanya mo sinasabi yun pinaka sensitibong bagay sa buhay mo at sa kanya ka lang nagtitiwalang sabihin ito. Makita mo lang mukha nya okey ka na, isang text lang everythings ok, magkasama lang kayo buong araw na kayong masaya.. parang mag bf / gf din.. yun nga lang pag sinabing bestfriend dapat walang malisya hmmmkei?? walang bastusan hmmkei ule… sa mag best friends na opposite sex ha. Kasi ako wala pa akong bestfriend na opposite sex eh..
- MORE THAN FRIENDS - eto hmmm nadevelop na friendship sa opposite sex.. meaning may malisya hehe.. eto yun pagkakaibigan na higit pa.. there’s more .. kaya pag bigyan mo na.. meron talagang ganon.. sa sobrang close nyo, nadedevelop sa may malisyang pagmamahalan. Naranasan ko na ba ito?? Ang sagot… hindi pa.. kasi wala pa akong naging super close na kaibigang lalake.. kung meron man.. una pa lang bago ko maging kaibigan may malisya na hehe.. kaya hindi na dumaan sa level level lols..
:Many people will walk in and out of your life, but only friends will leave footprints in your heart"
Lagi nating tatandaan na walang permanente sa buhay natin.. lahat pwedeng magbago.. may kanya kanya pa ring buhay ang mga kaibigan natin.. kung may naliligaw man nang landas.. basta ba nagawa mo na yun part mo.. wag mo nang sisihin yun sarili mo bakit hindi mo sya maiayos..
"Friends are angels who lift our feet when our own wings have trouble remembering how to fly."
At ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay hindi lamang natutuon sa iisang tao.. kasi sa bawat yugto ng buhay mo.. meron at meron kang makikilalang matalik na kaibigan.. panahon man ay lumipas.. kung matatag ang foundation ng friendship nyo.. nandun pa rin yun habang buhay..
"True friends are like diamonds, precious and rare. False friends are like leavesm found everywhere."
Mahirap humanap ng tunay kaibigan.. lahat pwede mo ituring na kaibigan…pero ang tunay na kaibigan na di ka iiwan sa lahat ng laban mo, yun ang mahirap hanapin.. kaya pag nahanap mo yun diamond na iyon.. kailangan i value mo ito..
At anu ano pa man ang mangyari.. kelangan natin irespesto ang differences natin.. pagtanggap at pagmamahal sa kung sino pa man sya..
“To have a good friend is one of the highest delights in life; to be a good friend is one of the noblest and most difficult undertakings.
0 comments:
Post a Comment