Monday, June 27, 2011

Relationship tips (try lang)

Sabi nila huwag daw masanay sa pagmamahal kapag nasanay ka naku kawawa ka. Totoo nga naman ang taong sinanay mo sa isang bagay pagkatapos hindi mo na ginagawa ang dati iisipin nito na nagbago na sya. Hindi ka na mahal, may iba na syang mahal, may iba nang pinagkaka abalahan. Eto namang kapares mo mapa praning na.

Hay naku buhay pag-ibig. Siguro hindi naman mag iisip ang kapares mo na nagbago ka na kung wala talaga syang napapansin. Eto lang ha kapag nagloloko ka at di pa napapansin ng kapares mo malamang hindi ka mahal non.. o di naman kaya nagloloko din sya.

Hindi ba pwedeng kapag pumasok sa isang relasyon maging masaya nalang? Pero at isang malaking pero wala namang perpektong relasyon.. am sure maraming ups and down yan pero kung gusto mong mag level up ang relasyon mo may tip ako sayo. Trust- pinaka importante ito,  paano  kayo magiging masaya kung sa umpisa pa lang eh wala ka nang tiwala dun sa ka pair mo?

Honesty – Paano ka pagkakatiwalaan kung hindi ka tapat. Kelangan nyong maging tapat sa isat- isa para walang praningan moments na mangyayari. Kelangan lagi mo i assure dun sa kapares mo na wala kang tinatagong secrets.. kapag walang secrets walang mapa praning diba?

Usap-usap – open- communication essential po ito sa isang happy relationship, hindi lang basta usap,  kelangan nanggagaling sa puso. Yung deep, ewan ko ha sa akin kasi kelangan ko talaga ng connection pag nakikipag usap mapuso akong tao. Hindi naman kelangan minu minuto kelangan mag usap, pero spice din yun ng relationship na palagi mo sya nakakausap.

Oras sa isat isa - kailangan din na mag bigay ng oras para sa isat -isat mga lambingan moments , mga sweet nothings medyo korni pero kelangan natin yun.. kung baga lambing lang ang katapat mo diba?

Maghiwalay – yup tama nabasa mo.. kelangan nyo din naman maghiwalay at isipin ang mga sariling buhay nyo. Kasi may kanya kanya naman kayong interes sa buhay i develop nyo yun. Mahirap naman yun palaging magkadikit magkakasawaan na kayo. Naalala ko tuloy kapag araw araw kayo nag uusap halos wala na kayong mapag usapan.. papasok na dyan na magkakasawaan na at yung isa maghahanap na ng mas interesadong tao. Kaya mag pa miss din kayo sa isat isa.

Pasensya - kelangan natin magkaroon ng patience kung gusto mo maging masaya ang relasyon mo, minsan sabi nila kamartiran daw yun ganon.. sa lahat ng hindi pagkakaunawaan kung wala kang pasensya walang patutunguhan ang pinakaka asam asam mo na mahaba at masayang relasyon. 

Pagpapatawad - Kapag may nagkamali, lawakan ang pag uunawa at bigyan ng panahon makapag paliwanag ang kapares, makinig . At huwag nang halungkatin ang nakalipas . Sabi nga past is past. Forgive 77x awts.. e mahal ko eh? 

Respeto sa isat isa. Dont try to change your partner. Kelangan i respeto mo kung ano sya at ano ang gusto nya. Kapag walang respeto sa isa isa i doubt na magtatagal kayo. 

Learn from each others mistakes. Walang perfect relationship, may nagkakamali rin.. kaya dun sa mga pagkakamaling nagagawa natin piliin mo yun lesson kung anong itinuturo sayo nun at isa puso mo. Para next time wag mo nang gawin . Kelangan mag eeffort ka naman na ma improve pa ang relasyon kapag nakikita mong medyo gumegewang gewang na.. kelangan kumapit ka ng mabuti at itama mo uli sa dating ayos. 

Love – kelangan wag mawawala yun. Yun na yun kahit sino pa man sya at kahit praning pa rin sya. Dapat huwag mawawala ang lab para sa isat isa
Pero sabi ng iba huwag mo daw masyado ipakita na mahal na mahal mo sya.. Bakit? kasi kapag dumating yun time na iwasan ka na nya.. yun ang sakit na walang gamot! Kasi sobrang sakit nun pag nagkataon
Kaya relax lang.. take it easy.. at maging masaya nalang tayo Kelangan marunong kang sumabay sa agos at mag balanse para hindi ka malubog.


0 comments:

Post a Comment